MRT Eavesdrops: Part I
Sa MRT. Siksikan. May sumakay na babae, mga nasa 50 na. Medyo mukhang pag-bagets. Mga nasa 5'6 ang taas. Medyo petite. Morena. Makapal ang eyeliner. Nakasuot ng pulang-pulang sleeveless at medyo blonde ang maikli niyang buhok. Tinanong yung buntis na nakaupo. Mga nasa 30 pataas and edad. Naka-bestida kaya lalong nagmukhang mataba. Morena. Nakapusod ang itim na itim na buhok. Singkit at nakasimangot. [Kitang-kita ko sila dahil nasa harapan nila ako. Nakatayo.]
Babae: Pwede pa ba ko diyan? [sabay siksik ng pwet niya kahit na halatang-halata naman na hindi na siya kasya]
Mga ilang minuto pa ang lumipas. Buntis nagrereklamo. Panay ang punas sa pawis niya sa noo. Nasisikipan daw siya.
Babae: Eh pare-pareho lang naman tayong nahihirapan.
Buntis: Eh kung ganun ho, eh tatayo na lang ako.
Tumayo nga ang buntis. Pinilit isiksik ang sarili niya sa mga katawang halos magkayakapan na. Pinagtinginan ang babaeng ngayon eh tinalo pa ang donya sa pagkakakomportable ng upo niya.
Maya-maya pa may kausap na sa cellphone ang buntis.
Buntis: ... andito nga ko sa MRT eh nakatayo... oo nakatayo...eh alangan namang maglupasay ako...
...at patuloy sa pag-ikot ang planetang earth.
by the way
. . . I've finally updated my talusira , le-stripped and mushroommy. Hehe. La lang. Just check 'em out if you have time. =) Actually, ngarag-an days ko ngayon eh pero heto ko, pablog-blog pa ren. Adikkk!
3 Comments:
hey there, hot thing. (o, HINDI hotbabe. notice the diff.)
haven't you ever hear ME sing? (kung hindi pa, ahemm. a-wan, a-tu, a-tri...
kamukha mo... si paraluman
nong tayo ay bata pa...
at ang galing-galing mong sumayaw.
mapa-boogie man o cha-cha...
okay, sali ako. i like this person, too. sino nga siya?
just pulling your leg (waw. ganda leg..!).
don't let your elbows touch mine..?
i don't like the way you are making me feel..?
hmmm. symptomatic ng delusional mega (your word) crush ito.
bakit sa kaniya.
whatever happened to "we-us", pare..? o imaginings ko lang iyon.?
sorry. liking to harrass you eh. papacute lang. smile na, o. ayoko ng dark-dark mood mong iyan, eh.
naka naman. wala. nagemote lang ako nung pinost ko tong entry na to. hmpf kase siya eh. hmpf! =b. di naman talaga ko dark mode. . . pinilit ko lang maging dark mode. defense mechanism ba. hehe.
i know. this is so... you..!
and it's so comforting. did i mention i love you?
i haven't?
well!
Post a Comment
<< Home